Thursday, March 3, 2011

Chapter 2- P1

CHAPTER II

“Ano, tayo na ba?” halos pabulong na tanong sa kanya ng lalaki habang pinipisil-pisil nito ang palad niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, parang hindi na siya makahinga sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Sinasabi ng puso niya na tumango siya, pero ang utak naman niya ay tumatanggi. Natatakot siya. Hindi niya alam kung saan at bakit.
“Ano? Tayo na hah?” tanong ulit nito.
“N-no.” bigla niyang nasabi. Hindi niya alam kung tama ba ang nasabi niya. Basta nalang yon lumabas sa bibig niya. Para itong nabigla sa narinig. Napatingin ito ng matiim sa kanya.
“Bakit?”
“Basta.” Sagot niya.
“Gusto kong malaman kung bakit ayaw mo.”
Natahimik siya at di makatingin ng tuwid dito. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.
“Kasi hindi pwede. Hindi kita ganon ka-kilala at isa pa sandali ka lang naman dito diba. Ilang buwan lang, aalis kana.” Paliwanag niya.
“Pwede naman tayong mag-usap sa cp ah. Kahit araw-araw pwede kitang tawagan”.
“Ayoko ng long distance relationship.” Totoo sa sariling sabi niya. Mahal niya ito ngunit ayaw niyang i-compromise ang puso niya. She knows herself at alam niyang hindi niya kakayanin ang maaring maging consequences kapag nagpadala siya dito.
“Babalik naman ako para sayo. Pangako.”
Gusto niyang paniwalaan ang sinabi nito ngunit natatakot siyang umasa. Natatakot siyang sa bandang huli ay masaktan lang siya.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” Pangungulit pa nito.
“Gusto ko ng boyfriend na lage kong makakasama. ‘yong pag may kelangan ako, nandun lang siya. Ayokong lage nalang siyang nami-miss”.

“Kumusta ang date ninyo ni Ivan kahapon?” Tanong sa kanya ng pinakamalapit niyang kaibigang si Imee.
“Okay lang naman.” Mailki niyang sagot.
“Anong okay? I-ilaborate mo naman.” Halatang gusto nitong malaman ang bawat detalye ng date niya.
“Niligawan niya ako.” Parang hindi interesadong sagot niya.
“Really? So kayo na?” Alam nitong may gusto siya kay Ivan kaya siguro nito ini-expect na sinagot niya ito.
“Hindi.” Binitawan niya ang hawak na ballpen at humarap dito. “Actually, binasted ko siya.”
“Ano??? Bakit naman?” Gulat na tanong uli nito.
“Kasi natatakot ako.” Sinserong sagot niya.
“Natatakot san? Hay naku friend ewan ko talaga sayo. Akala ko ba gusto mo yong tao? Dapat sinagot mo na. Pano kung magbago ang isip non at di kana ligawan? Pano ka magkaka-boyfriend nyan kung ganyan ka? Big catch na yon.” Walang preno na naman ito sa pagsasalita. Kung di pa niya ito tiningnan ng masama, siguradong tatalak ito ng tatalak hanggang sa marindi siya.
“Eh sa natatakot ako eh anong magagawa ko? Hindi pa ako nasaktan kahit minsan, kaya natatakot ako. Baka hindi ko kayanin.”
Tumirik ang mga mata nito sa sinabi niya. “Paano mo naman nalaman na masasaktan ka eh di mo pa nga sinusubukan? Tsaka ganon naman talaga sa love, kung gusto mong maging happy, dapat matoto kang mag-take ng risk. Di ba sabi nga nila, life is a gamble. And so is love friend my friend.”
“Hindi ko nga alam kung pagsisisihan ko yong ginawa ko o hindi. Nalilito ako eh.”
Totoong naguguluhan talaga siya. Buong gabi siyang hindi nakatulog sa kakaisip kung tama ba ang nagawa niya. May part kasi ng puso niya na nanghihinayang at nagsisisi. Pero ang utak naman niya ay iba ang sinasabi. Para na siyang luka sa kakaisip.
“Hay naku! Bata ka pa rin talagang mag-isip. Bakit di mo nalang ako gayahin?”
“Hmmp! Ayoko ngang gayahin ka. If I know, mala-telenovela din ang istorya ng love life mo.” Inirapan niya ito.
“At least may thrill. Eh ikaw? Hanggang ngayon zero ka pa rin. May lumalapit na sayo, inayawan mo naman. Buti sana kung di mo type. Eh if I know, love na love mo naman siya.”
“Kung talagang gusto niya, maghihintay siya.”
Nagulat siya dahil bigla siya nitong binatukan. “Aray! Ano ba?”
“Friend, panahon pa ni kupong- kupong yang paniniwala mong yan eh. Dapat grab the opportunity. Bakit mo pa ipagpapabukas kung pwede naman ngayon?” Pagdating talaga sa usaping pag-ibig ay parang expert ito kung magsalita. Sabagay, sa kanilang dalawa ay mas may karanasan naman talaga ito.
“Eh di nga pwede ngayon. Hindi pa ako handa.”
“Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta friend, wag mo sanang pagsisihan ang ginawa mo. Masakit magsisi sa huli.” Sumusukong sabi nalang nito.

Hindi pinatulog ng mga sinabi ni Imee si Abby. Naalala niya ang mga pangaral nito. In some point, tama naman kasi ito. Deep inside may konti talaga siyang pagsisising nararamdaman. Gusto niya si Ivan, gustong- gusto. Ngunit natatatakot siya sa maaaring maging consequences.
Nangako siya sa mga magulang niya na hindi muna siya magbo-boyfriend hangga’t hindi pa siya natatapos sa pag-aaral. Wala siyang balak baliin ang pangakong iyon. Naalala rin niya ang minsang sinabi sa kanya ng isa niyang kaibigan. Mahirap daw sumugal sa pag-ibig kung ang taong pinag-uukulan mo ng pagtingin ay hindi mo ganon ka-kilala. Sa kaso nila ni Ivan, masasabi niyang hindi pa talaga niya ito masiyadong kilala. Gahol din siya sa oras upang kilalanin ito dahil hindi naman ito mamimirmihan sa lugar nila. Aalis din ito agad sa oras na mahanapan ito ng trabaho ng tiyahin sa Maynila.

Tuesday, March 1, 2011

Globaldates.org

Globaldates


Globaldates.org is an international online service which strives on to be a leader in the international dating market. We welcome you to our family and hope you enjoy our excellent customer service and cutting edge technology. By offering the most innovative tools in the industry, including Live Video Chat, Introduction Videos, and with more features to come, our goal is to become the most extensive and easy to use international dating site in the world.

At Globaldates.org, we offer a level of service, honesty, and reliability that our competitors can only hope to achieve. While other companies make promises we instead focus on delivering promises. At Globaldates.org we insure all of our ladies are real and looking for someone to meet and correspond with. Hundreds of ladies participate in our popular Live Video Chat service every week, enabling you to chat with and instantly validate each one through our live video streams. In addition, we are one of the only dating services on the market that have dual video streaming (this is a benefit for both the male and female users of this site).

Supported by a superior international staff, we at globaldates have a primary goal in mind. This goal is to make you the user have a hassle free and enjoyable experience in your quest to meet the person of your dreams! We are constantly developing new and exciting ideas to accomplish this goal.

Our Vision

Globaldates.org strives to provide excellent service to each and every user of our site. We accomplish these goals by maintaining a professional working environment within our own company as well as with our affiliate agencies, and use ethical and honest judgment with any and all circumstances.

We are always looking for new and exciting ways to better the dating experience we provide and invite all of our users to contact us by email with suggestions they may have to improve on this experience.

Thank You for allowing us to better serve you and giving us the opportunity to make a difference.

To Join please visit Globaldates.org

Almost Over You Chapter 1- P2

“Bakit parang puyat ka yata Abby?” Tanong sa kanya ni Kathleen.
“Umandar na naman kasi ang insomnia ko.”
“Hindi ka na ba dinadalaw ng lalaking lagi mong napapanaginipan?”
“Honestly, napanaginipan ko na naman siya kagabi.” Sinserong sagot niya.
“Sino ba kasi ang lalaking yan?” Umupo ito sa silyang malapit dito. Halatang interesado ito sa kwento niya.
“Isang kakilala noong College pa ako.”
“Is he special?” bigla siyang napaisip. Espesyal nga ba ang lalakeng yon? Pero ang tagal na non. Baka nga di na siya kilala nito ngayon.
“Dati. Oo. Pero matagal na kaming hindi nagkikita. Wala na rin kaming communication.”
“Ano bang napapanaginipan mo tungkol sa kanya?”
Napansin niyang masiyado itong interesado sa panaginip niya kaya umupo siya ng maayos at ikuwento ang tungkol sa lalaki sa panaginip niya.
“Hmmmm…I think may meaning yan.” Napapalatak na sabi nito. “Baka magkikita kayo ulit.”
“Impossible. Ang tagal ko na dito sa Makati, dapat noon ko pa siya nakita.”
“Baka hindi pa lang panahon kaya ganon.”
“You mean ngayon na ang tamang panahon na yon?” Nalilitong tanong niya.
“Malay natin. Ang tanong, handa ka na bang makita ulit siya?”
“H-hindi ko alam, ewan. Di ko naman iniisip ang ganong bagay.” Napabuntong-hininga siya. Matagal na panahon ang hinintay niya bago niya tuluyang nabura sa isip at puso ang lalaking iyon. Ngayong ayon kay Kathleen ay posible silang magkita, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
“Naku! Kelangan mong ihanda ang sarili mo kung ganon. Baka sa isang di inaasahang pagkakataon kayo magkita, di mo mapaghahandaan.” Suhestiyon nito. Alam niyang tama ang sinabi nito. Pero ano nga ba ang gagawin niya? Napabuntong-hininga siya.

“Matamlay ka yata?” Puna sa kanya ni Carlos habang pasakay sila ng kotse nito. Sinundo siya nito sa office kahit ang usapan nila susunduin siya nito ng seven o’clock sa condo niya. Ayaw daw nitong mag-commute siya pauwi gayong kaya naman daw siya nitong sunduin.
“Napagod lang ako sa opisina.” Walang siglang sagot niya.
“Sigurado ka? Gusto mo wag nalang tayong tumuloy sa lakad natin?” nag-aalalang tanong ulit nito.
“No. Okay lang ako. Nakakahiya naman sa mga friends mo.”
“Mas importante ka sa akin. Wag mo na silang alalahanin.”
Nginitian niya ito sabay hilig sa balikat nito. “I’m really fine. Don’t worry. Gusto ko ring ma-meet na finally ang mga kaibigan mo.”
“Sigurado ka?” Napatingin siya dito sabay ngiti.
“Ang kulit mo rin ano?” Tinampal pa niya ito sa balikat.
Napabuntong hininga ito sabay pisil sa palad niya. May naramdaman siyang init sa palad nito. Alam niya, simula nong nagkita sila, may espesyal itong nararamdaman para sa kanya. Kahit noon pang bago ito umalis patungong Amerika.
Maya-maya, hinila siya nito palapit sa dibdib nito. Humilig siya don at pumikit. Nang magmulat siya ng mata, nasa parking lot na sila ng condo building niya.
“Nakatulog pala ako, I’m sorry.” Nahihiyang paumanhin niya.
“It’s okay sweetheart. I know you’re tired.” Pinisil pa nito ang baba niya.
“Papasok ka ba?”
“Di na. Susunduin nalang kita mamayang seven thirty okay?”
Tumango lang siya.

Exactly seven-thirty siya sinundo nito. Napangiti ito ng makita siya.
“You look wonderful.” Humalik ito sa pisngi niya.
“Thanks. You look great yourself.”
“Okay na ba ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong nito.
Ngumiti lang siya at tumango.
“So, shall we?” inilahad nito ang kamay sa kanya na buong galak naman niyang tinanggap. Ito na ang nagsara sa pinto ng condo niya at inalayan siya hanggang sa pagsakay sa kotse.
“Tinatanong kanina ng mga barkada ko kung makakasama ka ba? Excited na talaga ang mga gagong makilala ka.” Ngingiti-ngiti pa ito habang nagkukwento. “Sabi ko of course you’re coming. Pero hands off sila kundi lagot sila sa akin.” Tumawa ito ng mahina. Napatawa na rin siya.
“Bawal kang tumingin sa ibang lalake pagdating natin dun ha. Mind you, magagandang lalake lahat ng barkada ko pero syempre ako ang pinaka-gwapo.”
‘Ang kapal.” Piningot niya ang ilong nito. Napaaray naman ito.
“ But Im dead serious.” Seryosong sabi nito. “Baka pag nandon na tayo makalimutan mo na ako. Makakasuntok ako ng tao pag nagkataon.”
Tawa lang ang isinagot niya dito.

Kakapasok palang ng kotse nila sa parking lot ng sumungaw sa entrance ang mga barkada nito.
“CARLOS! Pare!”
Nang makaparada na sila ay inalalayan siya nitong bumaba. Agad namang lumapit sa kanila ang dalawang lalake.
“Mike! Jerry! Kumusta?” Bati ni Carlos sa dalawa.
“Very much fine pare.” Sagot ng isa. Sinipat siya nito bago nakangiting humarap kay Carlos. “Siya na ba pare?”
Ngumiti ito sa kanya bago siya ipinakilala sa dalawang kaibigan.“Guys, meet Abbeguile. Sweetheart, my friends Mike and Jerry.”
“Finally na-meet ka rin namin. Walang ibang bukambibig si Carlos kundi Abbeguile.. Abbeguile.. Abbeguile..” Nakangiting bati ni Jerry sa kanya sabay abot ng kamay.
“Wow pare! Ang galing mo talagang pumili.” Biro naman ni Mike. Napapangiti lang siya.
Maya-maya’y may babaeng lumabas mula sa pinto ng restaurant. Girlfriend pala ito ni Jerry. Tinatawag na daw sila ng ibang bisita. Nang pumasok sila sa loob, nagulat siya sa dami ng tao. Hindi ganon ang ini-expect niya.
“Bakit ang daming tao? Barkada mo ba silang lahat?” Pabulong na tanong niya.
“Nope. Mga bisita yan ng isa naming kabarkada. Birthday kasi niya bukas. Isinabay nalang niya sa celebration namin ngayon kasi may out of town siya bukas.” Paliwanag nito sabay giya kanya sa isang mesa.
“Guys, this is Abbeguile.”Pakilala nito sa kanya.
“Hello Abbeguile! So ikaw pala ang nakabingwit sa lalakeng yan ha.”
“Bantayan mong mabuti yan Abby, mahilig pa naman yan.” Tukso sa kanila ng isang kaibigan nito.
“Ooy magtigil ka Gab, baka maniwala si Abby malilintikan ka sa kin.” Hinarap siya nito at binulongan. “Wag kang maniwala sa kanya.”
“Naku ang sweet naman, baka langgamin kayo niyan ha.” Panay ang tukso sa kanila ng mga kaibigan nito. Habang siya ay naiilang, ito naman ay ngiting-ngiti. Maya-maya’y may biglang nahagip ang paningin niya. Isang pamilyar na mukha ang nakita niyang nakatayo sa buffet table, nakatingin ito sa kanya. Hindi lang nakatingin kundi titig na titig. Bigla siyang nanlamig.
Sweetheart are you alright?” tanong sa kanya ni Carlos.
“Y-yes Im fine.”
“Bigla ka kasing nanlamig. Gusto mo bang maupo muna?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tumango lang siya. Nang tumingin siya sa gawi ng buffet table ay wala na ang pamilyar na bultong nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali. Sigurado siya sa nakita niya. Kilala niya ang taong iyon.
Dahil sa nakita ay hindi na niya nagawang i-enjoy ang party. Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila ni Kathleen. Parang kay bilis naman yata.
Hanggang sa makauwi sila’y wala pa rin siya sa sarili. Naaalala pa rin niya ang mukhang nakita niya kanina. Tinanong niya ang sarili kung handa na ba siya sa muli nilng paghaharp. Nakatulogan na niya ang pag-iisip…

Almost Over You Chapter 1- P1

CHAPTER 1

KRIINNNGGG!!! KRRIINNGGG!!!
Biglang napadilat si Abbeguile. Nag-riring ang phone niya. Nang tiningnan niya ang oras, 4:00 am pa lang. Buwisit! Sino kayang walang magawa ang nang-iistorbo ng ganito kaaga!
“Hello?” Tinatamad pang bati niya.
“Abby, si Carlos ‘to. Naistorbo ba kita?” masiglang bati nito sa kabilang linya. Bigla namang nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan niya. Parang bigla siyang nagising.
“OMG! Carlos is that you? Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpakita ah.” Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama at naupo. Nawala ang kanina’y inis na bumangon sa dibdib niya dahil sa caller na iyon.
Ang lakas ng tawa nito. Napangiti na rin siya. Haaayyy! Boses pa lang nito, talagang napapangiti na siya. Carlos is her ultimate crush. Simula ng makilala niya ito, wala na siyang ibang ginawa kundi pangarapin ito. Bago ang mga weird na napapanaginipan niya lately, ito ang laging laman ng panaginip niya. Calos Montoya, the man of her dreams. Her prince charming. Madalas siyang pagtawanan noon ni Kathleen, ang taas daw niyang mangarap. Carlos is a heartthrob at kilalang palikero. Ngunit ng mag-umpisang mabaling sa kanya ang atensyon ng lalaki ay kinainggitan naman siya ng kaibigan. Ang swerte daw niya. But not yet. Hindi pa ito nanliligaw sa kanya. Ramdam niyang espesyal din siya dito. Maraming beses na niyang napatunayan ‘yon. Siguro’y hindi lang ito marunong manligaw. Kasi nga babae naman ang lumalapit dito. Pero hindi siya tulad ng ibang babae. Hihintayin niya ang araw na sasabihin nitong mahal din siya nito.
“Hindi ka pa rin nagbabago sweetheart. You’re still my sweet Abbeguile” Sinabayan pa nito ng mahinang tawa ang sinabi.
“Shut up Carl! Im not your sweetheart.” Kunwari ay nainis siya sa indearment na ginamit nito. Ngunit ang totoo ay kilig na kilig naman siya.
“You’ll be. Soon.” Makahulugang sabi nito.
“And what’s that suppose to mean?” Nakataas ang kilay na tanong niya. Na-curious siyang bigla sa sinabi nito.
“Anyway, alam kong naisturbo ko ang tulog mo.” Bigla nitong iniba ang usapan. Mahilig talaga itong umiwas. “Kakarating ko lang from the States and I want to hear your voice after few months na di tayo nagkita kaya ako napatawag ng ganito kaaga. And I intend to see you later. Susunduin kita sa office niyo.”
“Okay. I would love that. I missed you.” Napangiti siya sa nasabi.
“I missed you too sweetheart. Sige na matulog ka na ulit. Ayokong mapuyat ka.”
“kay. Bye.”
Wala na ito sa kabilang linya ngunit hawak pa rin niya ang cp niya. Pahiga siyang bumagsak sa kama habang napapangiti. Binalikan niya sa alaala ang pinag-usapan nila ni Carlos. “You’ll be. Soon.” Sabi nito. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Does it mean may balak itong ligawan siya? Aww, common Abbeguile, you’re daydreaming. Sinupil niya ang sarili pero napangiti siya sa ideya. Ano nga kaya kung ligawan siya nito? Tiyak hindi na siya magpapa-tumpik tumpik pa. After all, matagal na niyang hinihintay ang ganong pagkakataon.

“Naranasan niyo na bang managinip ng paulit-ulit sa isang taong matagal niyo nang di nakita?” Biglang tanong ni Abbeguile sa mga kasama habang kumakain sila sa canteen.
“Bakit, naranasan mo na rin ba?” balik tanong sa kanya ni Kathleen.
“Actually, yes.” Wala sa sariling sagot niya habang umiinom ng softdrink.
“At sino naman yong napanaginipan mo?” Naiintrigang tanong ulit nito.
“Haay naku! Wag mo na lang itanong Kath. Alam na natin kung sino.” Nanunukso ang mga ngiti ni Marie. “Siguradong namimiss lang niya si Carlos.” Sinundan pa nito ng tawa ang sinabi.
Napangiti siya. Biglang nakalimutan ang nagpapagulo sa isip niya. Naalala niyang susunduin pala siya ng lalake mamayang uwian. Excited na siyang makita ulit ito. Five months din niya itong di nakasama. Talagang miss na miss na niya ito. At alam niyang ito man ay ganon din ang nararamdaman.
“Ooooyyy!!! Pangiti –ngiti ka pa diyan ha. Siguro totoo ano?” pinagtulungan na siya ng mga kasama niya sa panunukso.
“Ewan ko sa inyo.” Paiwas na sagot niya.
“Asus! Denial pa eh obvious naman na nami-miss mo na siya. Don’t worry, ang rinig ko ay ngayon ang flight niya pabalik sa Pilipinas.”
Napangiti siya ulit. “As a matter of fact, kaninang umaga lang siya dumating at susunduin niya ako mamaya.” Pagbabalita niya sa mga kasama. Lalong lumakas ang hiyawan. Kung kanina ay sina Marie at Kathleen lang ang nanunukso, ngayon pati na ang mga kasama nilang lalake.
“Pano ba yan Abby, basted na pala ako?” Kunwari ay malungkot na sabi ni Martin. Lalo namang nagtawanan ang mga kasama nila.
“Wala na Martin. Wala ka ng pag-asa kay Abby.” Patuloy ang kantiyawan ng mga kasama niya ng biglang nag-vibrate ang cp niya. Message galing kay Carlos. Missing u so much. cnt w8 2 c u. Kinilig na naman siya. Nagreply naman siya. See you later.

Nagmamadali na siya sa pagliligpit ng mga gamit niya. Kakatanggap lang niya ng text mula kay Carlos. Malapit na daw ito. Nag-retouch muna siya bago sumakay sa elevator. Pagkalabas niya ng building, nakita niya itong nakatayo sa gilid ng sasakyan nito. Titig na titig ito sa kanya habang lumalakad siya palapit.
“Wag mo nga akong titigan ng ganyan, baka matunaw ako.” Kinakabahang biro niya. Ngumiti lang ito sabay bukas sa pinto ng kotse.
“Hop in.” Maikling sabi nito.
“Where do you want to go?” tanong nito sa kanya pagkaupo nila sa kotse.
“ Ikaw na ang bahala. Ikaw ang nag-invite diba?”
“Okay lang ba sayo kung pasyal muna tayo? Maaga pa naman or gusto mong kumain muna?” Nakatitig na naman ito sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious.
“H-hindi pa naman ako gutom.”
Nagbabyahe na sila ng bigla itong magsalita.
“I missed you.” Madamdaming pahayag nito sabay hawak sa kamay niya. Pinisil-pisil nito iyon. Nabigla siya sa inakto nito. Hindi naman kasi ito dating ganon. Siguro’y na-miss lang talaga siya nito ng husto.
“Na-miss mo rin ba ako?” Tiningnan siya nito sa mata.
“Oo naman. Sinabi ko na sayo sa phone nung mag-usap tayo diba?”
“Akala ko kasi nagbibiro ka lang.”
Papasok na sila sa parking lot ng mall. Nang makababa ito ay pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan siya sa paglabas. Yon ang isang bagay na nagustuhan niya dito. Gentleman ito lalo na pagdating sa kanya. Pag kasama niya ito feeling niya safe na safe siya.

Habang naglilibot sila sa mall, mahigpit na hawak nito ang kamay niya. Parang ayaw nitong makawala siya. Nang mapagod ay pinaupo siya nito sa bench.
“Gusto mong kumain ng ice cream?” Tanong nito.
“Ice cream lang ang iaalok mo sa akin?” kunwa’y nainis siya. “Gugutumin mo lang pala ako sa date natin eh.”
Ang lakas ng tawa nito. “Of course not. Naalala ko lang kasi mahilig ka sa ice cream. Pero dahil wala ka naman yata sa mood for ice cream, then let me bring you to a place na tiyak magugustuhan mo.” Hinila na siya nito sa kung saan siya nito gustong dalhin. Huminto sila sa isang Italian Restaurant na paborito niya. Napatingin siya dito. Alam na alam talaga nito ang mga gusto niya.

“Thanks for a very wonderful night.” Sabi nito ng maihatid na siya sa condo niya.
“No, ako dapat ang magpasalamat. I enjoyed your company.” Sinserong sabi naman niya. “Gusto mo bang tumuloy muna?”
“Okay lang ba?” tumango lang siya at binuksan ang pinto.
“Coffee or beer?” tanong niya dito.
“Umiinom ka pa rin pala ng beer.”
“Minsan lang naman kapag I feel bored.”
“Ngayong bumalik na ako, di ka na mabo-bore. Kaya di mo na kelangan ng beer.” Noon kasing nalaman nito na may mild ulcer siya, binawalan na siya nitong uminom ng beer.
“Minsan lang naman eh.”
“’wag matigas ang ulo.” Tiningnan siya nito na parang binabalaan siya.
“Fine.”
Nagtuloy ito sa kusina niya. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang tasa ng kape.
“Isasama kita bukas sa gimik ng barkada ha. Ipapakilala kita sa kanila.” Walang anumang sabi nito.
“Hah? But I don’t know them.”
“Kaya nga ipakikilala kita. Nasabi ko na sa kanila na kasama kita so don’t worry, okay?” pinisil nito ang palad niya. Napatango nalang siya.
Nang maubos na ang kape nito ay nagpaalam na itong umuwi para daw makapagpahinga na siya.
“Goodnight Sweetheart.” Humalik pa ito sa pisngi niya bago tuluyang lumabas.
“Night”. Wala sa sariling sabi niya.
Parang nasa cloud nine ang pakiramdam ni Abby habang nakahiga, yakap ang huling regalo ni Carlos sa kanya. Isa iyong pink stuff toy, bigay nito bago ito umalis papuntang Amerika. Nakatulog siyang may ngiti sa labi.

Welcome to Narussa's Escapade!

My primary purpose of writing this blog is to share with you my greatest passion in life, and that is writing.I have dreamed of becoming a famous Tagalog Romance writer, and I guess, this is the perfect place for me to start. In some instances, I will also post something about my personal experiences, thoughts and other things that will interest me.

I hope you will enjoy my writings!