Tuesday, March 1, 2011

Almost Over You Chapter 1- P2

“Bakit parang puyat ka yata Abby?” Tanong sa kanya ni Kathleen.
“Umandar na naman kasi ang insomnia ko.”
“Hindi ka na ba dinadalaw ng lalaking lagi mong napapanaginipan?”
“Honestly, napanaginipan ko na naman siya kagabi.” Sinserong sagot niya.
“Sino ba kasi ang lalaking yan?” Umupo ito sa silyang malapit dito. Halatang interesado ito sa kwento niya.
“Isang kakilala noong College pa ako.”
“Is he special?” bigla siyang napaisip. Espesyal nga ba ang lalakeng yon? Pero ang tagal na non. Baka nga di na siya kilala nito ngayon.
“Dati. Oo. Pero matagal na kaming hindi nagkikita. Wala na rin kaming communication.”
“Ano bang napapanaginipan mo tungkol sa kanya?”
Napansin niyang masiyado itong interesado sa panaginip niya kaya umupo siya ng maayos at ikuwento ang tungkol sa lalaki sa panaginip niya.
“Hmmmm…I think may meaning yan.” Napapalatak na sabi nito. “Baka magkikita kayo ulit.”
“Impossible. Ang tagal ko na dito sa Makati, dapat noon ko pa siya nakita.”
“Baka hindi pa lang panahon kaya ganon.”
“You mean ngayon na ang tamang panahon na yon?” Nalilitong tanong niya.
“Malay natin. Ang tanong, handa ka na bang makita ulit siya?”
“H-hindi ko alam, ewan. Di ko naman iniisip ang ganong bagay.” Napabuntong-hininga siya. Matagal na panahon ang hinintay niya bago niya tuluyang nabura sa isip at puso ang lalaking iyon. Ngayong ayon kay Kathleen ay posible silang magkita, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
“Naku! Kelangan mong ihanda ang sarili mo kung ganon. Baka sa isang di inaasahang pagkakataon kayo magkita, di mo mapaghahandaan.” Suhestiyon nito. Alam niyang tama ang sinabi nito. Pero ano nga ba ang gagawin niya? Napabuntong-hininga siya.

“Matamlay ka yata?” Puna sa kanya ni Carlos habang pasakay sila ng kotse nito. Sinundo siya nito sa office kahit ang usapan nila susunduin siya nito ng seven o’clock sa condo niya. Ayaw daw nitong mag-commute siya pauwi gayong kaya naman daw siya nitong sunduin.
“Napagod lang ako sa opisina.” Walang siglang sagot niya.
“Sigurado ka? Gusto mo wag nalang tayong tumuloy sa lakad natin?” nag-aalalang tanong ulit nito.
“No. Okay lang ako. Nakakahiya naman sa mga friends mo.”
“Mas importante ka sa akin. Wag mo na silang alalahanin.”
Nginitian niya ito sabay hilig sa balikat nito. “I’m really fine. Don’t worry. Gusto ko ring ma-meet na finally ang mga kaibigan mo.”
“Sigurado ka?” Napatingin siya dito sabay ngiti.
“Ang kulit mo rin ano?” Tinampal pa niya ito sa balikat.
Napabuntong hininga ito sabay pisil sa palad niya. May naramdaman siyang init sa palad nito. Alam niya, simula nong nagkita sila, may espesyal itong nararamdaman para sa kanya. Kahit noon pang bago ito umalis patungong Amerika.
Maya-maya, hinila siya nito palapit sa dibdib nito. Humilig siya don at pumikit. Nang magmulat siya ng mata, nasa parking lot na sila ng condo building niya.
“Nakatulog pala ako, I’m sorry.” Nahihiyang paumanhin niya.
“It’s okay sweetheart. I know you’re tired.” Pinisil pa nito ang baba niya.
“Papasok ka ba?”
“Di na. Susunduin nalang kita mamayang seven thirty okay?”
Tumango lang siya.

Exactly seven-thirty siya sinundo nito. Napangiti ito ng makita siya.
“You look wonderful.” Humalik ito sa pisngi niya.
“Thanks. You look great yourself.”
“Okay na ba ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong nito.
Ngumiti lang siya at tumango.
“So, shall we?” inilahad nito ang kamay sa kanya na buong galak naman niyang tinanggap. Ito na ang nagsara sa pinto ng condo niya at inalayan siya hanggang sa pagsakay sa kotse.
“Tinatanong kanina ng mga barkada ko kung makakasama ka ba? Excited na talaga ang mga gagong makilala ka.” Ngingiti-ngiti pa ito habang nagkukwento. “Sabi ko of course you’re coming. Pero hands off sila kundi lagot sila sa akin.” Tumawa ito ng mahina. Napatawa na rin siya.
“Bawal kang tumingin sa ibang lalake pagdating natin dun ha. Mind you, magagandang lalake lahat ng barkada ko pero syempre ako ang pinaka-gwapo.”
‘Ang kapal.” Piningot niya ang ilong nito. Napaaray naman ito.
“ But Im dead serious.” Seryosong sabi nito. “Baka pag nandon na tayo makalimutan mo na ako. Makakasuntok ako ng tao pag nagkataon.”
Tawa lang ang isinagot niya dito.

Kakapasok palang ng kotse nila sa parking lot ng sumungaw sa entrance ang mga barkada nito.
“CARLOS! Pare!”
Nang makaparada na sila ay inalalayan siya nitong bumaba. Agad namang lumapit sa kanila ang dalawang lalake.
“Mike! Jerry! Kumusta?” Bati ni Carlos sa dalawa.
“Very much fine pare.” Sagot ng isa. Sinipat siya nito bago nakangiting humarap kay Carlos. “Siya na ba pare?”
Ngumiti ito sa kanya bago siya ipinakilala sa dalawang kaibigan.“Guys, meet Abbeguile. Sweetheart, my friends Mike and Jerry.”
“Finally na-meet ka rin namin. Walang ibang bukambibig si Carlos kundi Abbeguile.. Abbeguile.. Abbeguile..” Nakangiting bati ni Jerry sa kanya sabay abot ng kamay.
“Wow pare! Ang galing mo talagang pumili.” Biro naman ni Mike. Napapangiti lang siya.
Maya-maya’y may babaeng lumabas mula sa pinto ng restaurant. Girlfriend pala ito ni Jerry. Tinatawag na daw sila ng ibang bisita. Nang pumasok sila sa loob, nagulat siya sa dami ng tao. Hindi ganon ang ini-expect niya.
“Bakit ang daming tao? Barkada mo ba silang lahat?” Pabulong na tanong niya.
“Nope. Mga bisita yan ng isa naming kabarkada. Birthday kasi niya bukas. Isinabay nalang niya sa celebration namin ngayon kasi may out of town siya bukas.” Paliwanag nito sabay giya kanya sa isang mesa.
“Guys, this is Abbeguile.”Pakilala nito sa kanya.
“Hello Abbeguile! So ikaw pala ang nakabingwit sa lalakeng yan ha.”
“Bantayan mong mabuti yan Abby, mahilig pa naman yan.” Tukso sa kanila ng isang kaibigan nito.
“Ooy magtigil ka Gab, baka maniwala si Abby malilintikan ka sa kin.” Hinarap siya nito at binulongan. “Wag kang maniwala sa kanya.”
“Naku ang sweet naman, baka langgamin kayo niyan ha.” Panay ang tukso sa kanila ng mga kaibigan nito. Habang siya ay naiilang, ito naman ay ngiting-ngiti. Maya-maya’y may biglang nahagip ang paningin niya. Isang pamilyar na mukha ang nakita niyang nakatayo sa buffet table, nakatingin ito sa kanya. Hindi lang nakatingin kundi titig na titig. Bigla siyang nanlamig.
Sweetheart are you alright?” tanong sa kanya ni Carlos.
“Y-yes Im fine.”
“Bigla ka kasing nanlamig. Gusto mo bang maupo muna?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tumango lang siya. Nang tumingin siya sa gawi ng buffet table ay wala na ang pamilyar na bultong nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali. Sigurado siya sa nakita niya. Kilala niya ang taong iyon.
Dahil sa nakita ay hindi na niya nagawang i-enjoy ang party. Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila ni Kathleen. Parang kay bilis naman yata.
Hanggang sa makauwi sila’y wala pa rin siya sa sarili. Naaalala pa rin niya ang mukhang nakita niya kanina. Tinanong niya ang sarili kung handa na ba siya sa muli nilng paghaharp. Nakatulogan na niya ang pag-iisip…

1 comment:

  1. hii.. Nice Post

    Thanks for sharing


    For latest stills videos visit ..

    www.chicha.in

    www.chicha.in

    ReplyDelete