Tuesday, March 1, 2011

Almost Over You Chapter 1- P1

CHAPTER 1

KRIINNNGGG!!! KRRIINNGGG!!!
Biglang napadilat si Abbeguile. Nag-riring ang phone niya. Nang tiningnan niya ang oras, 4:00 am pa lang. Buwisit! Sino kayang walang magawa ang nang-iistorbo ng ganito kaaga!
“Hello?” Tinatamad pang bati niya.
“Abby, si Carlos ‘to. Naistorbo ba kita?” masiglang bati nito sa kabilang linya. Bigla namang nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan niya. Parang bigla siyang nagising.
“OMG! Carlos is that you? Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpakita ah.” Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama at naupo. Nawala ang kanina’y inis na bumangon sa dibdib niya dahil sa caller na iyon.
Ang lakas ng tawa nito. Napangiti na rin siya. Haaayyy! Boses pa lang nito, talagang napapangiti na siya. Carlos is her ultimate crush. Simula ng makilala niya ito, wala na siyang ibang ginawa kundi pangarapin ito. Bago ang mga weird na napapanaginipan niya lately, ito ang laging laman ng panaginip niya. Calos Montoya, the man of her dreams. Her prince charming. Madalas siyang pagtawanan noon ni Kathleen, ang taas daw niyang mangarap. Carlos is a heartthrob at kilalang palikero. Ngunit ng mag-umpisang mabaling sa kanya ang atensyon ng lalaki ay kinainggitan naman siya ng kaibigan. Ang swerte daw niya. But not yet. Hindi pa ito nanliligaw sa kanya. Ramdam niyang espesyal din siya dito. Maraming beses na niyang napatunayan ‘yon. Siguro’y hindi lang ito marunong manligaw. Kasi nga babae naman ang lumalapit dito. Pero hindi siya tulad ng ibang babae. Hihintayin niya ang araw na sasabihin nitong mahal din siya nito.
“Hindi ka pa rin nagbabago sweetheart. You’re still my sweet Abbeguile” Sinabayan pa nito ng mahinang tawa ang sinabi.
“Shut up Carl! Im not your sweetheart.” Kunwari ay nainis siya sa indearment na ginamit nito. Ngunit ang totoo ay kilig na kilig naman siya.
“You’ll be. Soon.” Makahulugang sabi nito.
“And what’s that suppose to mean?” Nakataas ang kilay na tanong niya. Na-curious siyang bigla sa sinabi nito.
“Anyway, alam kong naisturbo ko ang tulog mo.” Bigla nitong iniba ang usapan. Mahilig talaga itong umiwas. “Kakarating ko lang from the States and I want to hear your voice after few months na di tayo nagkita kaya ako napatawag ng ganito kaaga. And I intend to see you later. Susunduin kita sa office niyo.”
“Okay. I would love that. I missed you.” Napangiti siya sa nasabi.
“I missed you too sweetheart. Sige na matulog ka na ulit. Ayokong mapuyat ka.”
“kay. Bye.”
Wala na ito sa kabilang linya ngunit hawak pa rin niya ang cp niya. Pahiga siyang bumagsak sa kama habang napapangiti. Binalikan niya sa alaala ang pinag-usapan nila ni Carlos. “You’ll be. Soon.” Sabi nito. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Does it mean may balak itong ligawan siya? Aww, common Abbeguile, you’re daydreaming. Sinupil niya ang sarili pero napangiti siya sa ideya. Ano nga kaya kung ligawan siya nito? Tiyak hindi na siya magpapa-tumpik tumpik pa. After all, matagal na niyang hinihintay ang ganong pagkakataon.

“Naranasan niyo na bang managinip ng paulit-ulit sa isang taong matagal niyo nang di nakita?” Biglang tanong ni Abbeguile sa mga kasama habang kumakain sila sa canteen.
“Bakit, naranasan mo na rin ba?” balik tanong sa kanya ni Kathleen.
“Actually, yes.” Wala sa sariling sagot niya habang umiinom ng softdrink.
“At sino naman yong napanaginipan mo?” Naiintrigang tanong ulit nito.
“Haay naku! Wag mo na lang itanong Kath. Alam na natin kung sino.” Nanunukso ang mga ngiti ni Marie. “Siguradong namimiss lang niya si Carlos.” Sinundan pa nito ng tawa ang sinabi.
Napangiti siya. Biglang nakalimutan ang nagpapagulo sa isip niya. Naalala niyang susunduin pala siya ng lalake mamayang uwian. Excited na siyang makita ulit ito. Five months din niya itong di nakasama. Talagang miss na miss na niya ito. At alam niyang ito man ay ganon din ang nararamdaman.
“Ooooyyy!!! Pangiti –ngiti ka pa diyan ha. Siguro totoo ano?” pinagtulungan na siya ng mga kasama niya sa panunukso.
“Ewan ko sa inyo.” Paiwas na sagot niya.
“Asus! Denial pa eh obvious naman na nami-miss mo na siya. Don’t worry, ang rinig ko ay ngayon ang flight niya pabalik sa Pilipinas.”
Napangiti siya ulit. “As a matter of fact, kaninang umaga lang siya dumating at susunduin niya ako mamaya.” Pagbabalita niya sa mga kasama. Lalong lumakas ang hiyawan. Kung kanina ay sina Marie at Kathleen lang ang nanunukso, ngayon pati na ang mga kasama nilang lalake.
“Pano ba yan Abby, basted na pala ako?” Kunwari ay malungkot na sabi ni Martin. Lalo namang nagtawanan ang mga kasama nila.
“Wala na Martin. Wala ka ng pag-asa kay Abby.” Patuloy ang kantiyawan ng mga kasama niya ng biglang nag-vibrate ang cp niya. Message galing kay Carlos. Missing u so much. cnt w8 2 c u. Kinilig na naman siya. Nagreply naman siya. See you later.

Nagmamadali na siya sa pagliligpit ng mga gamit niya. Kakatanggap lang niya ng text mula kay Carlos. Malapit na daw ito. Nag-retouch muna siya bago sumakay sa elevator. Pagkalabas niya ng building, nakita niya itong nakatayo sa gilid ng sasakyan nito. Titig na titig ito sa kanya habang lumalakad siya palapit.
“Wag mo nga akong titigan ng ganyan, baka matunaw ako.” Kinakabahang biro niya. Ngumiti lang ito sabay bukas sa pinto ng kotse.
“Hop in.” Maikling sabi nito.
“Where do you want to go?” tanong nito sa kanya pagkaupo nila sa kotse.
“ Ikaw na ang bahala. Ikaw ang nag-invite diba?”
“Okay lang ba sayo kung pasyal muna tayo? Maaga pa naman or gusto mong kumain muna?” Nakatitig na naman ito sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious.
“H-hindi pa naman ako gutom.”
Nagbabyahe na sila ng bigla itong magsalita.
“I missed you.” Madamdaming pahayag nito sabay hawak sa kamay niya. Pinisil-pisil nito iyon. Nabigla siya sa inakto nito. Hindi naman kasi ito dating ganon. Siguro’y na-miss lang talaga siya nito ng husto.
“Na-miss mo rin ba ako?” Tiningnan siya nito sa mata.
“Oo naman. Sinabi ko na sayo sa phone nung mag-usap tayo diba?”
“Akala ko kasi nagbibiro ka lang.”
Papasok na sila sa parking lot ng mall. Nang makababa ito ay pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan siya sa paglabas. Yon ang isang bagay na nagustuhan niya dito. Gentleman ito lalo na pagdating sa kanya. Pag kasama niya ito feeling niya safe na safe siya.

Habang naglilibot sila sa mall, mahigpit na hawak nito ang kamay niya. Parang ayaw nitong makawala siya. Nang mapagod ay pinaupo siya nito sa bench.
“Gusto mong kumain ng ice cream?” Tanong nito.
“Ice cream lang ang iaalok mo sa akin?” kunwa’y nainis siya. “Gugutumin mo lang pala ako sa date natin eh.”
Ang lakas ng tawa nito. “Of course not. Naalala ko lang kasi mahilig ka sa ice cream. Pero dahil wala ka naman yata sa mood for ice cream, then let me bring you to a place na tiyak magugustuhan mo.” Hinila na siya nito sa kung saan siya nito gustong dalhin. Huminto sila sa isang Italian Restaurant na paborito niya. Napatingin siya dito. Alam na alam talaga nito ang mga gusto niya.

“Thanks for a very wonderful night.” Sabi nito ng maihatid na siya sa condo niya.
“No, ako dapat ang magpasalamat. I enjoyed your company.” Sinserong sabi naman niya. “Gusto mo bang tumuloy muna?”
“Okay lang ba?” tumango lang siya at binuksan ang pinto.
“Coffee or beer?” tanong niya dito.
“Umiinom ka pa rin pala ng beer.”
“Minsan lang naman kapag I feel bored.”
“Ngayong bumalik na ako, di ka na mabo-bore. Kaya di mo na kelangan ng beer.” Noon kasing nalaman nito na may mild ulcer siya, binawalan na siya nitong uminom ng beer.
“Minsan lang naman eh.”
“’wag matigas ang ulo.” Tiningnan siya nito na parang binabalaan siya.
“Fine.”
Nagtuloy ito sa kusina niya. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang tasa ng kape.
“Isasama kita bukas sa gimik ng barkada ha. Ipapakilala kita sa kanila.” Walang anumang sabi nito.
“Hah? But I don’t know them.”
“Kaya nga ipakikilala kita. Nasabi ko na sa kanila na kasama kita so don’t worry, okay?” pinisil nito ang palad niya. Napatango nalang siya.
Nang maubos na ang kape nito ay nagpaalam na itong umuwi para daw makapagpahinga na siya.
“Goodnight Sweetheart.” Humalik pa ito sa pisngi niya bago tuluyang lumabas.
“Night”. Wala sa sariling sabi niya.
Parang nasa cloud nine ang pakiramdam ni Abby habang nakahiga, yakap ang huling regalo ni Carlos sa kanya. Isa iyong pink stuff toy, bigay nito bago ito umalis papuntang Amerika. Nakatulog siyang may ngiti sa labi.

No comments:

Post a Comment